Ulirang Ina

Mahal naming Ina

Sa iyong mga ngiti tuwing umaga

Sa amin ay laging nag-aanyaya

Para gumising, mag-alis ng muta

Kung kami’y makulit, lumalaki ang mata

 

Sa bawat masuyong pagpapaalala

Kahit nagsesermon sa amin ay nakangiti pa

Kung maaari’y ayaw kaming masaktan talaga

Pero dahil mahal mo kami’y iyong ginagawa

 

Ina, napakabait mo sa aming lahat

Kahit mahirap tayo, sa luho’y salat

Sa pagdisiplina sa amin, ika’y namamalat

Mahal mo kami, walang makakasalungat

Salamat sa pagta-trabaho mong mabuti

Pambili ng aming pagkain, damit at pampaputi

Mula ulo hanggang paa alagang alaga mo kami

Upang maging gwapo at magagandang binibini

 

Salamat sa Diyos ika’y isang magandang halimbawa

Sa pagpapakita ng pagmamahal sa ating kapwa

Kay tatay, ikaw ay isang dakilang korona

Matalino, ,maaruga, masipag, katangi-tangi ka

 

Salamat sa Diyos ikaw ang aming Ina

Ikaw ay isang pang habambuhay na biyaya

Kanlungan naming kung kami’y may problema

Ipinagdarasal mo kami, kaya kami’y pinagpapala

julia

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s